"Hindi ako 'yon. Bahala kayo kung maniniwala kayo sa 'kin or not, wala akong pakialam." Ito ang bahagi ng post ni Thea Tolentino sa kaniyang Facebook nitong Martes kaugnay sa isang video scandal na may mga gustong palabasin na siya.

Nadismaya ang Kapuso actress dahil marami umano ang bastos at nagpapakalat ng maling impormasyon.

Gayunman, nilinaw ni Thea na hindi siya apektado sa isyu pero nakiusap siyang huwag nang abalahin na padalhan ng mensahe ang kaniyang mga mahal sa buhay.

Sa hiwalay pang mga post, sinabi rin na huwag muna siyang ipagdasal at sa halip ang mga wala umanong magawang makabuluhan sa buhay ang dapat na ipagdasal.

Napanood na rin daw niya ang video at bagaman may anggulo na hawig daw niya ang babae, magkaiba naman ang kanilang pangangatawan.

"Pero, hindi naman sa mayabang ako o ano, mas maliit po waist line ko and pusod palang iba na," saad ni Thea.

 

 

Ipinahayag din ng aktres na wala siyang plano na kombinsihin pa ang mga makikitid ang utak para maniwala na hindi siya ang babae sa video.

 

 

-- FRJ, GMA News