Ipinasilip sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ng produksyon ng Kapuso hit afternoon series na "Ika-6 Na Utos," ang ilang maaksyong eksena ng banggaan ng mga karakter na sina Emma at Georgia. Pero maging sa tunay na buhay, sadyang nangyayari ang salpukan ng mga original na asawa at mga babaeng nakiapid sa may-asawa. 

Sa nakaraang episode ng "KMJS," inihayag din ng produksyon ng "Ika-6 Na Utos" kung saan sila kumukha ng inspirasyon sa salpukan nina Emma at Georgia na ginagampanan nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon.

Ipinakita rin kung papaano ginagawa ang ilang maaksyong eksenang at sino ang namamahala sa fight scenes, at maging ang mga humahalili o ka-double nina Sunshine at Georgia, kung kailangan. Panoorin.


 

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA news