Inulan ng pagbati si Pauleen Luna sa ibinahagi nitong sonogram ng baby nila ni Bossing Vic Sotto na ipinost ng aktres sa kaniyang Instagram account.

Saad sa caption sa larawan na ipinost ni Pauleen nitong weekend na may kasamang heart shape, "Hi my little girl,"  at may hashtag na "lookup" at "journeytomamahood."

Ilan sa mga nagkomentong IG followers ni Pauleen ang nakapansin sa matangos na ilong ng baby, at sabik na rin sila sa pagdating ng baby.

 

Hi my little girl ?? #lookup #journeytomamahood

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

 

Nitong nakaraang Mayo nang ianunsyo nina Pauleen at Vic sa "Eat Bulaga" na nagdadalang-tao ang TV host-actress.

At nitong nakaraang buwan naman, inihayag nila na baby girl ang nasa sinapupunan ni Pauleen. -- FRJ, GMA News