Sa Tonight with Arnold Clavio nitong Huwebes, nabuko kung sino ang crush ni Barbie Forteza sa mga miyembro ng cast ng Sunday PinaSaya.
Sa pagsabak ng Sunday PinaSaya cast members na sina Ai Ai delas Alas, Barbie Forteza, Gladys Guevarra at Atak sa 'Nasubukan Mo Na Ba?' segment ng Tonight with Arnold Clavio, sinagot nila ang maiinit na tanong sa kanila ng host tulad ng kanilang mga experiences sa paglimot ng mga linya at wardrobe malfunction.
Sa naturang show, tinanong kung sino ang mga crush nila sa mga kasama sa Sunday PinaSaya.
Nang magbigay si Barbie ng clue sa kanyang crush na hindi raw regular sa lingguhang show, dito na siya ibinuking ni Ai Ai.
—Jamil Santos/ALG, GMA News
