Balikan ang pinakakilig moment sa final episode ng My Love from the Star nitong Biyernes.
Dahil sa kakaiba nilang sitwasyon, inamin ni Steffi Chavez (Jennylyn Mercado) na hindi magiging madali ang kanilang pagsasama ng alien na si Matteo (Gil Cuerva).
Sa kabila ng lahat ng kanilang pinagdaanan, sa bandang huli ay sa kasalan din nauwi ang lahat.
Kakaiba ang naturang kasalan kumpara sa ibang teleserye. Sa halip na engrande, apat lamang na tao ang bisita ng magkasintahan.
Sa kabila nito, matinding kilig pa rin ang dulot ng mga huling sandali ng teleserye na hango mula sa parehong titulo ng isang Koreanovela.
—Jamil Santos/ALG, GMA News
