Sa isang video na ini-upload sa Youtube, makikita kung gaano nasorpresa si Dianne Medina nang mag-propose sa kaniya ng kasal ang nobyong si Rodjun Cruz habang nasa Boracay sila para ipagdiwang kaarawan ng Kapuso actor.

"Baby, we've been together for 10 years now and I want to take our relationship to the next level... Baby, thanks talaga sa lahat, thank you for everything. Thank you for loving me, thank you for not giving up on me through ups and down. Pinapangako ko sa 'yo na I'll be the best man for you. Hanggang ngayon, everyday nagpapasalamat ako kay Lord dahil ibinigay ka niya sa akin. Gagawin ko ang lahat para sa iyo. Alam mo naman na hindi ko kayang mabuhay sa mundo kung wala ka. Baby, excited ako para sa magiging future natin. Excited ako to be in the future with you, kagaya ng palagi kong sinasabi ko sa 'yo. I promise to take care of you, make you happy and love you forever. Mahal na mahal kita baby. Maria Patricia Dianne Medina, will you marry me?" saad ni Rodjun nang alukin nang mag-propose sa kasintahan.

Ano naman kaya ang naging sagot ni Dianne? Panoorin:

-- Jamil Santos/FRJ, GMA News