Magtatambal sa pambungad na episode ngayong 2018 ng "Magpakailanman" sina Barbie Forteza at si Jak Roberto. Si Barbie, literal na hebigat ang role dahil gagampanan niya ang buhay ng isang matabang babae.
Makakasama rin nila sina Robert Ortega, Sherilyn Reyes, Lucho Ayala, Stephanie Sol, Eunice Lagusad at marami pang iba. Ito ay sa direksyon ni Rechie Del Carmen.
Sa episode na, "Ang Babaeng Tinimbang Ngunit Sobra: The Melinda Mara Story," gagampanan ni Barbie ang kuwento si Melinda o Dang, na iibig kay Adrian, na gagampanan ni Jak.
Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabi ni Barbie na extra challenge raw ang kaniyang role dahil kinailangan siyang lagyan ng prosthetics at fat suit.
Dapat daw abangan kung patuloy na mamahalin ni Adrian si Dang sakabila ng kaniyang pangangatawan.
Panoorin ang mga pagsubok na pagdadaanan ni Dang, na umibig at nahaharap din sa problema ng kaniyang pangangatawan, na tiyak na kapupulutan muli ng aral at inspirasyon.
Kasama nina Barbie at Jak sa episode sina Sherilyn Reyes, Robert Ortega, Stephanie Sol, Lucho Ayala, Eunice Lagusad, Angel Satsumi, Althea Ablan at Bruce Roeland.
“Ang Babaeng Tinimbang Ngunit Sobra: The Melinda Mara Story' ay mula sa direksyon ni Rechie del Carmen, sa panulat ni Charlotte Dianco at pananaliksik ni Loi Nova.
Mapapanood ngayong Sabado, January 6, sa programang nagpapakita ng tunay na kwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto. -- FRJ, GMA News
