Pumanaw na sa edad na 75 ang beteranong character actor na si Spanky Manikan dahil sa sakit na cancer.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing Agosto noong nakaraang taon nang matuklasan na mayroong Stage 4 lung cancer at sumailalim sa chemotherapy sessions.

Dahil sa naturang karamdaman, hindi niya natapos ang pagganap noong isang taon sa Kapuso series na  'My Love From the Star" kung saan gumanap siya bilang abogado at kaibigan ni Matteo Domingo, na ginampanan ni Gil Cuerva.

Nakilala si Spanky sa kaniyang husay sa pagganap sa award-winning movies na "Maynila sa Kuko ng Liwanag," "Bona,"   Broken Marriage"  at "Himala."

Sa "Himala" na pinagbidahan ni Nora Aunor, nakuha ni Spanky ang pagkilala bilang Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival noong 1982.

Maliban sa "My Love From The Star," ilan pa sa GMA-7 show na kinabilangan ni Spankly Amaya, Pari 'Koy, at Alyas Robin Hood. -- FRJ, GMA News