Para maging matagumpay sa buhay, sa pag-ibig man o sa trabaho, maraming mga tao ang sinusubukan ngayon ang "mind manifesting" o pag-iisip ng mga bagay-bagay para mas lalo itong magkatotoo. Isa sa mga librong tumatalakay dito ang "The Secret," kung saan ipinaliwanag ang "law of attraction." Ngunit paano nga ba ito ginagawa?
Sa programang "Mars" nitong Huwebes, sinabi ni Rob Rubin, paranormal expert, na ang "mind manifesting" ay ang "inate ablility of human beings to make what they want appear or manifest in their everyday life."
Nangyayari raw ang pag-"manifest" sa mga bagay kung ang isang tao ay may "enough belief and enough centering within themselves to make it a reality."
Kung gustong mangyari ang mga bagay-bagay, tulad ng love life o trabaho, nagbigay si Rubin ng ilang panuntunan tungkol sa "mind manifesting."
1. Alamin kung ano talaga ang gusto - "The most important thing is knowing what do you want. Focus on that one thing, don't do 20 things at one time."
2. Suriin ang nararamdaman tungkol sa bagay na gustong mangyari - "You need to check how do you feel about the concept of love? If you feel unworthy, then you're gonna reject that." Kailangang sabihin sa sarili, 'I deserve this,' 'I deserve the perfect person in my life,' 'I'm attracting the person into my life,' 'I know it's already done.'
3. Affirmation - Mas tamang sabihin ang mga katagang "I have manifested a loving girlfriend" o "I have a loving grilfriend" o "I'm in a loving relationship," kaysa "I want a girlfriend" o "I will have a good job." Ipagpalagay na nangyari na ang isang bagay.
4. Patience - Matapos sabihin ang "statement of intent" o "word of affirmation," kailangan na itong hayaan. "It's like a seed. If you take a seed and you plant it into the ground and everyday you dig it up to see if it's growing, it's not gonna grow." Matapos magdasal, magmedidate o magsakripisyo, "you have to let it go."
5. Magkaroon ng "confidence" na mangyayari - Kung pipilitin ng tao na mangyayari ang gusto niyang mangyari, lalo itong hindi magkakatotoo. "If you keep stressing it, it's going to push away further, and that's the mistake most people make."
Sinabi rin ni Rubin na huwag maging desperado at laging maging positibo sa pagtanggap, dahil "everything happens in its own time."
Panoorin ang buong pagtalakay ng "Mars" tungkol sa "mind manifesting."
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA News
