Matapos makarating sa New Jersey kamakailan, todo-ensayo at rehearse na ang mga Kapuso stars na sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Alden Richards at Betong Sumaya para sa "Sikat Ka, Kapuso!".
Sa Chika Minute report sa 24 Oras nitong Sabado, hindi pa rin nakalimutang magkulitan ng mga Kapuso stars sa kanilang mga rehearsals.
Makikita pa na naghahanda na ng mga dance moves sina Jennylyn, Lovi at Betong.
Sumabak din sila sa YouTube Space sa New York, ngunit wala pang detalye kung ano ang kanilang ginawa doon.
Binisita rin sila ni Permanent Representative of the Philippines to the United Nations Teddy Locsin Jr. bago sila sumalang sa press conference sa Kalayaan Hall ng Philippine Consulate sa New York.
Nakatakdang mag-perform sa Newark Symphony Hall sa New Jersey ang mga Kapuso stars itong Sabado.
Matapos nito, didiretso naman sila sa Sony Center for the Performing Arts sa Toronto, Canada. —Jamil Santos/ALG, GMA News
