Sa kauna-unahang pagkakataon, magiging bisita sa "Celebrity Bluff sa Sabado ang bagong Kapuso na si John Estrada.
Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali", sinabing hindi lang studio audience ang pakikiligin ni John sa episode kung hindi maging host ng show na si Eugene Domingo.
Ayon kasi kay Eugene dream leading man niya si John.
Asahan ang doble pang saya dahil kasabay ni John na guest sa episode ang "bestfriend" niya sa isang sitcom noon na si Anjo Yllana.
Samantala, ang mga Kapuso hunk naman na sina Rocco Nacino at Ruru Madrid ang magtatagisan sa husay ng pag-lip sync sa "Lip Sync Battle Philippines" na mapapanood sa Linggo.
--FRJ, GMA News
