Nagbabalik-primetime ang beterang Kapuso actress na si Sunshine Dizon para sa top-rating Kapuso series na "Kambal, Karibal".
Gagampanan ni Sunshine ang tunay na ina ni Cheska, ang karakter ni Kyline Alcantara, ayon sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa 24 Oras Weekend nitong Sabado.
Ayon kay Sunshine, mas magiging kaabang-abang pa ang serye dahil maaapektuhan ng pagdating ng kaniyang karakter ang buhay nina Crisanta (Bianca Umali), Diego (Miguel Tanfelix) at Geraldine (Carmina Villarroel).
Nakaeksena na ni Sunshine si Carmina, at gusto niya ring maka-eksena ang iba pang cast.
Matatandaang gumanap si Sunshine bilang si Emma sa top-rating Kapuso Afternoon Prime serye na "Ika-6 Na Utos". — Jamil Santos/DVM, GMA News
