Nakiisa at nakisaya rin sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan nitong Martes sa iba't ibang bahagi ng bansa ang ilang Kapuso star sa pangunguna ng Pambansang Bae na si Alden Richards.
Sa Chika Minute report ng "24 Oras" nitong Martes, sinabing nanguna si Alden sa pag-awit ng Lupang Hinirang sa Lapu-lapu City, Cebu.
Sa Iligan City naman naki-celebrate ng Independence Day sina Derrick Monasterio at Barbie Forteza ng "Inday Will Always Love You."
Nagtungo naman sa Naga City para nakiisa sa Araw ng Kalayaan si Benjamin Alves. Habang nagkaroon din ng partisipasyon sina Andre Paras at Joyce Pring sa Araw ng Kalayaan sa Dagupan City.
Nakiisa rin sa isang flag raising ceremony sa Davao City si Migo Adecer. Samantalang sa Bago, Negros Occidental naki-Independence Day ang Kapuso singer na si Maricris Garcia.-- FRJ, GMA News
