Pinarangalan ng Philippine Catholic HIV-AIDS Network ng Diocese of Antipolo ang afternoon adbokaserye ng Kapuso network na "Hindi Ko Kayang Iwan Ka."
Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa "Balitanghali" nitong Martes, sinabing nakatanggap ng plaque of recognition mula sa organisasyon ang mga bida ng serye na sina Yasmien Kurdi, Jackie Rice at Martin del Rosario.
Labis naman pasasalamat si Yasmien sa natanggap nilang pagkilala at sa mga patuloy na sumusuporta sa programa.
-- Jamil Santos/FRJ, GMA News
