Ilang Kapuso hunk ang "fitspiration" ngayon dahil sa ganda ng kanilang pangangatawan. Pero bago nito, chubby kid ang ilan sa kanila noon.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, kabilang sa mga chubby kid noon ang model-actor na si Carl Guevara at young dad na si Jake Ejercito.

Gayundin sina Dion Ignacio, na mapapanood sa telefantasya na "Victor Magtanggol," at David Licauco ng "Kapag Nahati Ang Puso."

Totoy na totoy naman noon ang hitsura ng machong-macho na ngayon na si Benjamin Alves, na mapapanood din sa "Kapag Nahati Ang Puso."

Ayon kay David, na-achive niya ang kaniyang hunk body dahil sa pagpupursige niya sa gym na sinamahan pa ng boxing at basketball.

No excuses raw na magkaroon ng healthy lifestyle lalo sa pagwowork-out dahil maaari itong gawin kahit sa bahay sa loob ng ilang minuto.

Kabilang sa kaniyang workout tips for starters ay jumping jacks ng 30 repetition bilang cardio routine at sundan ng jump squats and push up ng tig-dalawampung beses.

Maganda rin umanong mag-planking for one minute at sit ups para sa core. Pampagising din umano ng katawan ang burpees at mountain climber exercise routine.

Pagdating sa food intake, hindi raw dapat gutumin ang sarili pero dapat hinay-hinay lang at less sa carbs. -- FRJ, GMA News