Itinanghal ang aktres na si Patricia Javier bilang Mrs. Universe Philippines 2019.
Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News "Balitanghali," sinabing nagningning si Patricia sa suot niyang white gown na idinisenyo ni Jojo Macapinlac.
Ang kaniya namang Filipiñana gown ay idinisenyo ng dancer at "Unang Hirit" host na si Regine Tolentino.
Dahil dito, si Patricia ang magiging pambato ng Pilipinas para sa Mrs. Universe competition.
Inilarawan ni Patricia ang kaniyang pagkapanalo bilang "unforgettable," at labis siyang nagpasalamat sa mga sumusuporta sa kaniya.
Hindi ito ang unang pageant na sinalihan ni Patricia, dahil sumabak din noon sa Bb. Pilipinas 1998.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News
