
Taong 2008 nag-comeback si Gabby Concepcion sa local showbiz. Iyon ang itinuturing niyang simula ng kaniyang career bilang artista.
"Nag-umpisa ako [sa showbiz] noong ano, e, 2008 lang," pangiti-ngiting sambit ni Gabby nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa last shooting day ng pelikulang Man & Wife nitong Setyembre 13, Huwebes ng hapon, sa Insular Building, Alabang, Muntinlupa.
Ngunit ang totoo, nagsimula si Gabby bilang commercial model at nadiskubre sa isang toothpaste commercial noong 1980.
Noong taong din iyon napanood si Gabby sa kanyang unang pelikula, ang Katorse, kasama si Dina Bonnevie.
Pagkatapos noon ay naging sunud-sunod na ang pelikula niya bilang Regal Baby.
Kinilala siya bilang isa sa top matinee idol at kalaunan bilang mahusay na aktor.
Noong 1994 ay nasangkot siya sa Manila Film Festival scam.
Nang sumunod na taon ay nilisan niya ang showbiz at nanirahan sa Amerika.
Noong 2008 ay bumalik siya sa Pilipinas pagkatapos ng 13 taon.
Naging hudyat din iyon ng pagbabalik niya sa showbiz.
Binura na niya yung dati, nung Regal Baby pa siya at bago pumunta ng Amerika?
Paliwanag ng 54-year-old actor, "Di ba, comeback nga, e?
"Kaya dumating ako, pagbalik ko, doon lang talaga nag-umpisa ang buhay ko.
"Born again. Born again ako. Kaya anything before 2008... pasensiya na kayo, ha? Pasensiya na kayo.
"Ayoko na kasing balikan yung nakaraan. Kaya nagmu-move forward ako.
"2008... kaya nga nagpapakilala ako, na nag-umpisa pa lang ako, 2008.
"So, noong dumating ako sa showbiz, tuwang-tuwa naman ako. At nagpakilala ako ngayon.
"Sige na, tanggapin niyo na lang. Para at least, mag-umpisa tayo lahat, fresh!"
Patuloy ni Gabby, "Mula nang dumating ako nang 2008, anything that happens, you just take it.
"Every day, per day, by the day.
"Wala akong regrets. Because anything that happened to me in 2008 was just a bonus.
"Puro blessings. Puro pagpapasalamat.
"Like I always say, ‘no, I have nothing to complain about and everything to be thankful for.
"Kasi, totoo, kumbaga, this is my second life.
"Para makabalik sa showbiz, na mabigyan ako ng ganitong blessing, ano pa ang iko-complain mo?
"E, iyong iba pa nga, minsan gustong mag-umpisa ng buhay sa showbiz, hindi makatuntong.
"So, eto... sa tagal kong nawala, nabigyan ako ng second chance.
"So, feeling ko, first ano ko ito. First exposure ulit."-- For the full story, visit PEP.ph
