Hindi nahiyang inamin ni Renz Fernandez na may pagtingin siya sa Kapuso actress na si Sanya Lopez, na kasama niya sa bagong primetime teleserye ng GMA-7 na "Cain at Abel."
Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Renz sa ginanap na media launch noong nakaraang November 13 sa Prime Hotel sa Quezon City, sinabi ng aktor na kahit na simple lang ang ganda ni Sanya ay malakas ang sex appeal nito.
"Yung mga nagiging type ko sa mga babae ay simple lang.
''Tulad ni Sanya, iba ang ganda niya, e. Pero malakas ang dating.
"Yung tipong pag dumaan siya, lilingunin mo talaga kasi may kung anong appeal meron siya," pahayag niya.
Sa tanong namin kung type ba niyang ligawan si Sanya, mabilis na sumagot ng 'Oo' ang aktor.
"Single naman ako at sa pagkakaalam ko, single din si Sanya. Bakit naman hindi?
"Puwede naman, di ba? Tingnan natin.
"Gusto ko pa siyang makilala nang husto.
"Isang eksena pa lang ang magkasama kami ni Sanya sa Cain at Abel.
''Kapag siguro matagal-tagal na, makikilala ko rin si Sanya nang husto," diin ni Renz.
Nakakapagtaka na sa guwapo ni Renz ay matagal na raw itong walang girlfriend.
"Totoo na matagal na akong walang girlfriend.
"Minsan feeling ko inaayawan na ako ng mga babae! Ewan ko kung bakit?" malakas na tawa niya.
"Hindi ko pa lang siguro nahahanap yung girl na para sa akin."
Yung last relationship daw ni Renz sa isang non-showbiz girl ay tumagal lang ng seven months.
"Ito ngang huli, seven months lang kami. Hindi talaga nag-work out.
"Bago yan, yung huli ko pang girlfriend was Maxene Magalona.
"Gano'n na katagal na walang nakarelasyon," diin pa niya.
Sa palagay ba ni Renz ay nasa kanya ang problema kaya wala pa siyang nahahanap na karelasyon?
"Hindi ko alam, e.
"May mga lalaki naman na mabilis makahanap ng girlfriend, di ba?
"Siguro nagiging choosy na rin ako talaga.
"Sa edad ko ngayon [33], siguro hindi lang basta girlfriend ang hanap ko.
"Baka hindi ko lang napapansin na ang hanap ko ay yung pangmatagalan ng relasyon.
"Hindi ko pa naman naiisip ang mag-asawa, pero masarap sana na meron ka nang partner na nandiyan sa tabi mo, di ba?" pagtatapos niya.-- For more showbiz news, visit PEP.ph
