Nakatanggap ng parangal si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera mula sa ika-limang Inding-Indie Film Festival dahil sa magaling na pagganap niya sa telebisyon.

Ginanap ang Gabi ng Parangal nitong Biyernes sa National Press Club of the Philippines, kung saan natanggap ni Marian ang Gawad Pusong Sining - Huwarang Aktres sa Telebisyon Excellence Award.

Inihayag naman ni Marian ang kaniyang pasasalamat sa paggawad sa kaniya sa Instagram, na sinabi niyang "nakakataba ng puso."

 

Huling ginampanan ni Marian ang Kapuso series na "Super Ma'am", ngunit napapanood pa siya sa "Sunday PinaSaya." — Jamil Santos / AT, GMA News