Kasabay ng paglipat ng EB Dabarkads sa bago nilang tahanan sa APT Studios sa Cainta, Rizal, masuwerte rin ang Sugod Bahay winner nitong Sabado na nanalo ng bahay at appliances sa "Juan for All, All for Juan."
Kuwento ni Aling Josephine na ngayo'y nasa Tanza, Cavite, nagloko raw ang kaniyang asawa noong siya'y nasa Qatar pa. Dalawang buwan ding nagtrabaho si Josephine sa Saudi, ngunit kinulong siya ng kaniyang amo.
Bukod sa mga natanggap niyang pamasko, hiling din ni Josephine na sana ay magkaroon siya ng sariling bahay para na rin sa dalawa niyang anak, na agad namang tinupad nina Bossing at Tito Sen.
Nakatanggap din si Josephine ng mga bagong gamit. Panoorin.
—Jamil Santos/LBG, GMA News
