Naging emosyonal si Kapuso star Rob Moya nang ihayag niyang lumalaban siya sa depresyon, kasabay pa nang malaman niyang possibleng mawala ang kaniyang best friend dahil sa cancer.

Sa programang "Mars," binasa ni Rob ang kaniyang letter para sa "2018."

Ayon sa kaniya, sobra raw pinasakit ng 2018 ang kaniyang puso dahil sa kaniyang mga pinagdaanan.

"It's been really tough for me kasi I've lost too many people this year. Ans then I also found out na I'm losing one of my best friends sa cancer," ayon kay Rob.

"At saka ano lang din, medyo nahirapan lang with other problems, so, grabe. Nagsabaysabay," dagdag niya.

Sa kabila nito, inihayag niyang hindi siya susuko at gusto pa rin niyang magpasalamat sa mga dumating na pagsubok.

"I was fighting through depression. It's also a reminder for me na it's not the end of the world. Lahat naman ng mga taong nawala sa 'yo, ayaw nilang makita kang gano'n. At the end of the day, they want you to keep fighting, eh mas madami pa ngang tao na mas grabe pa 'yung problema 'di ba? So just think positive lang," anang aktor.

Ngunit hindi na napigilang maluha ni Rob nang magkuwento sa kaniyang best friend.

"It's been tough. And I don't want to lose my best friend kasi." — Jamil Santos/MDM, GMA News