Balikan ang ilan sa mga tagpo sa programang "Wowowin" ni Kuya Wil na ginagiliwan, kinakiligan at nagpatawa sa mga nakapanood, at naitampok pa sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho." Panoorin.
Marami ang naka-relate sa damdamin ng batang si Kurt na humagulgol nang iyak para hilingin sa kaniyang ina na huwag nang umalis ng bansa para maging OFW.
Nitong Marso lamang, isang dalaga ang nanawagan sa ‘Wowowin’ na mahanap ang kaniyang ina at masuwerte naman siyang naitampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" at natupad ang kaniyang pangarap.
Nagkaroon naman ng pag-asa ang mga single pa rin mahahanap din ang kanilang "The One" matapos mapanood ang kuwento ni Tin na natagpuan ang kaniyang "forever" nang makatulog siya sa sinasakyang pampasaherong jeep.
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA News
