Ikinuwento ng aktres na si Alessandra de Rossi ang hirap ng buhay ng celebrity at minsan na rin umanong pumasok sa isip niya na iwan na ang mundo ng showbiz. Pero hindi raw niya magawa dahil wala siyang ibang alam na trabaho na puwedeng gawin.

"Ayoko nga ng sikat. Ang hirap-hirap kaya ng sikat,” saad ng aktres nang mapag-usapan ang tungkol sa kasikatan sa contract signing niya sa Viva Entertainment nitong Miyerkules.

“Kahit saan ka pumunta, lahat ng tao may cellphone, gusto tig-iisang selfie. One hundred sila 'tapos mag-isa ka lang," saad niya.

Hindi umano naiintindihan ng mga tao na tuloy ang trabaho ng mga artista kahit nasa bakasyon sila dahil may mga taong hihingi ng kanilang oras.

Pero tanggap naman niya na sadyang ganun ang buhay ng mga artista.

“Wala kaming pahinga, wala kaming moment," dagdag niya.

Ayon pa kay Alessandra, may mga pagkakataon na gusto na niyang iwan ang showbiz, pero hindi niya pa rin ito matalikuran dahil wala naman siyang ibang alam na gawin.

“Nagkamali ako. Dapat sinunod ko yung nanay ko na tapusin yung pag-aaral ko.

“Ayoko, e. Hindi nga ako mahilig mag-aral. Yung, ‘Ayoko na, mag-aartista na nga lang ako.’”

Pag-amin niya, inuudyokan siya noon ng ina na makatapos ng pag-aaral pero naging matigas ang ulo niya.

“So, nung mga times na gusto kong mag-quit, anong gagawin ko, ni wala akong natapos?

“Wala akong ibang alam. Dito lang ako lumaki sa mundong ‘to. -- For the full story, visit PEP.ph