Tinamaan din ng "Kara Mia" fever ang ilang "Eat Bulaga" dabarkads nang magpunta sila sa GMA Network nitong Biyernes para sa pirmahan ng kontrata at manatiling Kapuso ang longest-running noontime show sa Pilipinas.

READ: Dabarkads, full-force sa contract signing kasama ng GMA Network para sa ‘Eat Bulaga’

Sina Alden Richards, Maine Mendoza at Pia Guanio, game na game na nagpa-picture sa standee ng "Kara Mia" na naka-display sa network.

Si Maine, nag-post ng version niya na nilagyan niya ng caption na "Meng-Mia" at itinag [tag] si Mika Dela Cruz, na gaganap na Mia sa serye.

Si Alden naman, naging katalikuran si "Kara," na gagampanan ni Barbie Forteza.

Naging "Kara Pia" naman ang larawan sa bersyon ni Pia.

Ni-repost nina Barbie at Mika sa kani-kanilang social media accounts ang mga larawan ng mga dabarkads.

Ang upcoming Kapuso series na "Kara Mia" ay kuwento ng kambal na babae na magkasama sa iisang katawan. --FRJ, GMA News