Inihayag ng Kapuso star na si Kyline Alcantara kung bakit hindi pa siya puwedeng magpaligaw sa ngayon.
Sa media conference ng "Inagaw Na Bituin" sa GMA Network noong nakaraang Biyernes, sinabi ni Kyline na wala naman siyang manliligaw sa ngayon dahil masyado pa siyang bata.
Pero puwede naman daw siyang magkaroon ng inspirasyon.
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) February 1, 2019
"Allowed po na magkaroon ng inspiration but not boyfriend," saad ng 16-anyos na Kapuso singer-actress.
"Hindi po ako pinagbabawalan na magkaroon ng inspiration. But like serious relationship, no, no, no. I'm still young," kaniyang dagdag.
Sabi pa ni Kyline, maliban sa payo ng mga magulang ay alam daw niya ang kaniyang limitasyon.
"Hindi po. Even though my parents know that... I know my own limitations po and alam naman nila kung gaano ka-disciplined sa mga bagay-bagay," paliwanag niya.
Magiging leading man ni Kyline si Manolo Pedrosa para sa "Inagaw Na Bituin." Tinanong din ng showbiz press ang aktres sa posibilidad na ligawan siya ni Manolo.
"For now po wala pa naman po kami sa ganu'ng stage ni Manolo. We're like professionals. Lahat po kami dito pamilya," dagdag niya.
Nang tanungin kung paano kung may pumuntang lalaki sa kanilang bahay, natatawang sagot ni Kyline, "Ay, hindi po nila alam 'yung address eh. Hindi ko po ibibigay."
Ipinaliwanag din ni Kyline na "Inagaw Na Bituin" ngayon ang focus niya at ayaw niya munang matuon ang pansin sa ibang bagay.
"Ako po kasi I'm just really focused sa Inagaw Na Bituin. This is really an important show for me. 'Yun po talaga 'yung pinaka-focus ko ngayon. Kumbaga I don't want to distract myself. I want to inspire myself para mas maging eager pa ako sa mga bagay-bagay, but I don't want to distract myself in different things," paliwanag niya.
Pagdating sa kaniyang mga celebrity crush, binanggit ni Kyline ang 'Cain at Abel' lead actors na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.
"Meron po akong crush. Siyempre 'yung mga matatanda na po. Well siyempre po si kuya Dong (Dingdong Dantes) crush ko po 'yan, kasi ang gugwapo po nila, ang titikas po nilang mga lalaki. Si kuya Dingdong, Dennis Trillo, 'Cain at Abel'. Sila po kasi ngayon talaga. Kumbaga mga inspiration po talaga na mga lalaki," masaya niyang sabi.
"But I want to work with different actors po na ka-age bracket, like Migo Adecer, Mavie Legaspi," paliwanag pa niya.-- FRJ, GMA News
