Inihayag ni Mrs. Universe 2018 Patricia Javier na si Lani Mercado, na tinatawag din niyang "ma'am" at "ninang" ang isa sa kaniyang mga itinuturing mentor sa showbiz. 

Sa programang "Tunay Na Buhay" ni Rhea Santos, sinabi ni Patricia na nakilala niya si Lani nang maging caretaker noon ang kaniyang tatay sa property na nabili ng mga magulang ni Lani sa Antipolo.

Saad ng aktres, si Lani na tinatawag ang nag-aya sa kaniya na mag-audition kay Kuya German "Germs" Moreno sa variety show na "That's Entertainment."

Sa edad na 16, maging breadwinner siya ng pamilya nang maghiwalay ang mga magulang.

Binalikan din niya ang love story nila ng chiropractor na si Dr. Rob Walcher, na mailalarawan niya na "napaka-romantic."

Maituturing man nilang "love at first sight" ang kanilang love story, nagustuhan naman ni Patricia ang pagiging mapagmahal ni Dr. Rob hindi lang sa pamilya kundi sa kapwa-tao. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News