Nagkaroon ng maliit na sakuna si Rami Malek sa 2019 Academy Awards nitong Linggo nang mahulog sa hagdan pababa ng stage matapos matanggap ang kaniyang Best Actor Oscar.
Sa mga kuha ng Reuters, ipinakita si Rami na tinutulungan na bumalik sa kaniyang upuan ng security staff matapos ang insidente.
Ayon sa ulat ng People magazine, tila hindi naman nagpakita ng injury si Rami matapos ang aksidente.
Nagwagi si Rami para sa kaniyang performance bilang si Freddie Mercury para sa pelikulang "Bohemian Rhapsody."
Sa kaniyang speech, pinuri ni Rami ang pagiging "unapologetic" ng yumaong Queen frontman tungkol sa kaniyang buhay.
"We made a film about a gay man, an immigrant, who lived his life just unapologetically himself, and the fact that I'm celebrating him and this story with you tonight is proof that we're longing for stories like this," aniya.
"I am the son of immigrants from Egypt. I'm a first-generation American, and part of my story is being written right now." —JST, GMA News
