Bukod sa telebisyon, mapapanood din sa mga sinehan ang tambalan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix via horror movie na "Banal."
Kasama ni Bianca at Miguel sa pelikula na handog ng APT Entertainment sina Kim Last, Taki Saito at Andrea Brillantes.
Sa trailer ng pelikula, mapapadpad ang kanilang grupo sa isang lugar na puno nang kababalaghan.
Bukod sa pelikula, napapanood din gabi-gabi sa epic primetime series na "Sahaya" sina Bianca at Miguel. --FRJ, GMA News
