Mula nang malaman ni John Marc na isa siyang ampon, sinimulan na raw niyang hanapin ang tunay niyang mga magulang at dalawang kapatid. At nabuhayan siya ng loob nang makita niya ang isang babaeng napanood sa "Wowowin," na marami ang nakapansin na malaki ang kanilang pagkakahawig.

Sa panayam ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabi naman ng babae sa "Wowowin" na si Trixie na nagtungo siya sa programa ni Willie Revillame para manawagan sa kaniyang amang Australian na hindi pa niya nasisilayan mula nang iwan sila ng kaniyang ina.

Inihayag din ni Trixie na mayroon siyang kapatid na lalaki na hindi na nila nakikita matapos na ipaampon ng kaniyang ina dahil sa kahirapan.

Magkadugo nga kaya sina John Marc at Trixie at hindi lang basta magkamukha? Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News