Isinilang na ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang second baby nila ni Primetime King Dingdong Dantes nitong Martes.

Mismong si Dingdong ang nagbalita sa pagdating ng kanilang baby boy sa pamamagitan ng Instagram post.

Sa naturang post, makikita si Marian habang kasama ang kanilang bagong baby, na papangalanang Jose Sixto Dantes IV, na sunod sa pangalan ng aktor.

"Yahoo! After around 10 hours of labor, Marian finally gave birth to our baby boy at 1:35pm today. Thank you very much for praying with us. Welcome to the world, Jose Sixto G. Dantes IV!," saad sa caption ng larawan ng mag-ina.

 

 

Sa pagdating ng bagong baby, opisyal nang ate ang tatlong-taong-gulang na panganay nina Marian at Dingdong na si Zia. --FRJ, GMA News