Mariing itinanggi ni Small Laude na sangkot ang mister niyang si Philip sa katiwalian sa paggamit ng pondong para sa flood control projects.
Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, ipinaliwanag ni Small na kaibigan ng kaniyang ama ang nadadawit umano sa isyu.
Naging magkasama umano sa isang negosyo ang dalawa noong 2018 or2019. Pero nang magpasya ang kaibigan ng kaniyang asawa na pumasok sa pulitika, nagdesisyon umano ang dalawa na huwag nang ipagpatuloy ang kanilang negosyo.
"They closed that company, so wala talagang negosyong nangyari," giit ni Small. "Ewan ko nga Tito Boy, bakit naiintriga 'yung flood control. Sobrang not, sobrang no."
Naglabas din ang pamilya ni Small ng pahayag tungkol dito noong Enero sa pamamagitan ng Divina Law.
Kilala si Small bilang internet personality na may malaking bilang ng followers sa social media at YouTube. —Nika Roque/FRJ GMA News
