Sa GMA Afternoon Prime series na "Bihag" ay gumaganap si Sophie Albert na mang-aagaw ng asawa o kabit.
Ang inagaw niya ay ang karakter ni Jason Abalos na asawa ni Max Collins sa teleserye.
READ: Max at Sophie, tuwang-tuwa na higit 1-M views na ang catfight nila sa 'Bihag'
Dahil sa epektibong pagganap ni Sophie bilang kontrabida ay marami ang galit sa kaniya.
Kuwento ng aktres, “Merong mga nagme-message sa akin.
“Nung simula wala, pero nung medyo nag-aaway na talaga kami ni Max, nagpipisikalan na, pini-personal na ako sa Instagram.
“Madami nang mga IG DMs [direct messaging] na parang, ‘Uy, grabe ka naman! OA naman kayo!’
“Kaya nag-post na ako ng, ‘Sorry, mabait naman ako in real life.’
“Kasi medyo marami na [ang nagagalit]… mostly pag inaapi ko si Max.”
Sa sobrang sama nga niya sa Bihag, may vendors sa isang taping nila sa palengke na sumigaw ng “Nasaan ang kabit! Ilabas niyo siya para masabunutan namin!”
Nag-uusap ba sila ni Max bago kunan ang eksenang magsasakitan sila para maiwasan nila na magkasakitan ng totohanan?
Tugon ni Sophie, “Actually it’s more of, ‘Sige, sige lang, saktan mo lang ako! Huwag kang matakot!’
“Kasi mas weird kapag alangan kaming saktan yung kaeksena mo kaya okay lang, ‘Saktan mo ako!’
“'Tapos after nun, sorry na. Pero totoong nagkakasakitan talaga kami.
“Masakit talaga yung mga sampal, yung mga sabunot, masakit talaga siya!”
Sino sa kanila ni Max ang mas masakit sumampal at manabunot?
“Hindi ko alam!” at tumawa si Sophie.
Wala naman daw nagalit sa kanya sa eksenang pinatay niya si Emilou, portrayed by Glenda Garcia.
“Kasi kay Tita Glenda, medyo inis din sila sa character niya, so marami din masaya na parang, ‘Buti na lang namatay na siya!’" at tumawa si Sophie.
“So, iyon, mostly kapag kay Max.”
Nakausap ng PEP.ph (PHilippine Entertainment Portal) si Sophie sa taping ng "Bihag "nitong Martes, May 28, sa Marina Iloilo, Oysters and Seafood, sa Quezon City.-- For the full story, visit PEP.ph
