Isinagawa na ang unang mall show ng pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye” nitong Sabado sa Alabang. Gaya nang inaasahan, dinagsa ito ng kanilang fans.
Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Lunes, sinabing hindi magkamayaw ang fans nang makita nila ang kanilang mga idolo.
Sabi ni Alden, masaya silang maging boses ng OFWs sa pamamagitan ng kanilang movie na kinunan sa Hong Kong.
Ipakikita raw sa movie ang buhay ng OFW na madalas na nangungulila sa kanilang pamilya na kanilang naiwan sa Pilipinas.
"Gusto ko magpasalamat sa kanila kasi very special 'tong mall show na 'to first leg. So maraming salamat sa pagpunta despite then weather," saad ni Kathryn.
Ayon naman kay Alden, "Actually 'tong mall na 'to bago pa 'to talagang andito sila kahit na mahirap puntahan, so maraming salamat po. At saka we enjoy the first leg of the mall show, marami pa 'to."-- FRJ, GMA News
