Laking gulat ng isang costumer nang malamang na mismong si Kris Bernal ang nag-deliver ng inorder niyang cosmetics. Alamin kung bakit ginawa ito ng Kapuso actress kahit katatapos lang niyang magtrabaho sa GMA.

Sa kaniyang vlog, ikinuwento ni Kris na limang araw nang delay ang deliver ang order ng customer na mga lipstick dahil nagkaproblema sa courier at busy din siya sa schedule.

Kaya para makabawi, si Kris na mismo ang naghatid ng mga produkto at may kasama pang freebies.

Ang costumer niya, hindi makapaniwala sa ginawa ng aktres.

Ipinaliwanag ni Kris na hindi ito ang unang beses na nag-surprise delivery siya sa mga customer.

Disyembre noong nakaraang taon nang i-anunsyo ni Kris ang kaniyang "passion project" na SHE Cosmetics.-- FRJ, GMA News