Bininyagan na nitong Linggo ang bunsong anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Baby Ziggy.
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Makati City ginanap ang baptism rites kay Jose Sixto Dantes IV o Baby Ziggy, na isinagawa ni Father Tito Caluag.
Tatlumpu't isa umano ang tumayong ninong ni Baby Ziggy, at 13 naman ang mga ninang.
Kabilang sa kanila sina Paolo Contis, Boobay. direk Domic Zapata, Celeste Tuviera at mga kapatid ni Dingdong.
Pagkatapos ng binyagan, diretso sila sa reception sa Bonifacio Global City, kasama ang iba pa nilang mga kaanak at malalapit na kaibigan.
Ang naturang reception na may 80s theme ang nagsilbi na ring advanced birthday celebration ni Dingdong.--FRJ, GMA News
