Sa dami ng lugar na inawit ni Jose Mari Chan ang "Christmas in Our Hearts," may isang lalawigan sa bansa ang natatangi para sa kaniya. Alamin kung saan at kung bakit.

Sa Chika Minute report ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabi ng batikang singer-song writer na hindi niya malilimutan ang Lanao del Norte nang awitin niya ang "Christmas in Our Hearts."

Kuwento niya, "I asked them [mga tao], 'Ok what would you like me to sing?' And these were predominantly Muslims— 'Christmas In Our Hearts.”

Patuloy niya, "So nagulat ako. Buti na lang we had the minus one. So I sang 'Christmas In Our Hearts” and the whole gym was singing along. It touched me to realize that my song had crossed border, had crossed religion."

Sa ulat naman ng GMA News "Unang Hirit," ikinuwento ni Jose Mari Chan ang kaniyang paboritong "meme" tungkol sa kaniya at sa kaniyang awitin.
 
“Pinapadala sa ‘kin ng friends ko. Some of them are very amusing,” saad niya. “The funniest I’ve seen is the one of NASA, where they were trying to listen to the sound of the sun. That’s the most clever and funniest.”

Inihayag naman niya na natutuwa siya sa mga meme pero sana lang daw ay walang gagawa ng meme na offensive.

"I feel complemented and flattered," saad ng mang-aawit.

Hiniling din ng mag-aawit na huwag kalimutan ang iba pang awiting Pinoy na pamasko tulad ng "Ang Pasko ay Sumapit."

Paalala pa niya, huwag kalilimutan ang tunay na diwa ng Pasko gaya ng pahiwatig ng kaniyang awitin.-- FRJ, GMA News