Ipinost ni Claudine Barretto sa kaniyang Instagram account nitong Linggo ang screenshot ng umano'y reaksyon ng kanilang ina na si Inday, na nagsasabing siya si "Inday," na pinatungkulan umano ng isa pa niyang anak na si Marjorie sa isang video na "super drama to death."
"Nagsalita na ang Mommy [thumbs up emoji] @gretchenbarretto the truth will always prevail," saab ni Claudine sa caption ng kaniyang post.
Ang naturang screenshot ay mula umano sa IG stories ni Mommy Inday.
"I am the Inday Marjorie was referring to after a big fight in the hospital about the Subic home we own."
"I'm in shock and in so much pain as a mother. I just learned about the video and my heart breaks," saad sa post.
"Marjorie, Claudine said everything, pls don't drag my name Marjorie. Didn't know you were doing DAMAGE CONTROL BY USING ME. Learn to tell the truth and nothing but the truth," dagdag nito.
Nag-post din si Claudine ng larawan nila ng kaniyang ina na may nakasaad na: "I luv u & respect u so much @estrellabarretto".
Una rito, nag-post ng video si Claudine habang nasa ospital pa umano ang kanilang ama. Makikita sa video si Marjorie at may madidinig na nasalita ng, "Super drama to death si ano... si Inday."
May nagtanong naman na kung ano ang nangyari, at sumagot naman ang babae na, "Masyado siyang dramatic. Baka masapak ko."
Sa pahayag ni Marjorie sa PEP.ph, sinabi nito na hindi ang kaniyang ina ang tinutukoy niyang "Inday" sa video.
Pero hindi rin niya sinabi kung sino ang inday na pinatutungkulan niya.
Nagpost-din si Marjorie ng mga larawan nitong Linggo kasama kaniyang ina at mga anak at apo.—FRJ, GMA News
