Kasama ni Rhian Ramos ang kaniyang bagong nobyo sa red carpet premiere night ng pelikulang "The Annulment" na pinagbibidahan ng kaniyang kaibigang si Lovi Poe.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing isa nakatawag ng pansin sa naturang premiere night si Rhian dahil sa kasama niyang foreigner na si Amit Borsok.

"He's my boyfriend and he's also friends with Lovi so we're here to support her," saad ng aktres.

Noong nakaraang taon nagkakilala sina Rhian at Amit, na isang Israeli.

Nagkakilala raw ang dalawa sa pamamagitan ng common friends.

Kuwento ni Amit, noong una raw ay inakala niya na ayaw sa kaniya ni Rhian.

"She kinda didn't wanna go out with me for about a month. She said she's not in the right place but i was kind of persistent until i kinda convinced her and it worked," kuwento ni Amit.

Sa January 30, ipagdiriwang ng dalawa ang kanilang first anniversary.-- FRJ, GMA News