Inilahad ni Kisses Delavin ang kaniyang dahilan kung bakit napagkakamalan siyang "choosy" pagdating sa pagtanggap ng trabaho sa showbiz.

Sa sharing group segment ng programang "Mars," nagbigay ng kanilang topic ang mga host at guest sa mga bagay na mali sa tingin ng iba pero feeling naman nila ay tama.

"What you see is what you get," paglalarawan sa sarili ni Kisses, na bida sa pelikulang "D' Ninang" kasama si AiAi delas Alas.

"Kasi sa showbiz kailangan mong gawin ang ibang bagay na minsan hindi ka kumportableng gagawin and minsan nagkakaproblema po ako 'pag hindi ko po ginagawa 'yung kailangan kong gawin," dagdag niya.

Patuloy niya, "Sa tingin ko po kasi, kung pangarap mo 'yung showbiz, para tumagal ka rito, kailangan doon ka lang sa kung ano 'yung nararamdaman ng puso mo na doon ka masaya, at 'yun 'yung totoo mong gustong gawin sa puso mo, magiging masaya po kayo sa showbiz at saka mas mamahalin mo 'yung showbiz, hindi mo siya ihe-hate."

Panoorin ang piniling usapin tungkol sa sarili nina Camille Prats, Iya Villania at Angel Guardian.

--Jamil Santos/FRJ, GMA news