Tatlong taon matapos siyang ma-diagnose na may Motor Neurone Disease (MND), pumanaw na sa edad na 35 ang Irish actor na si Michael Patrick, na napabilang sa cast ng hit series na “Game of Thrones.”
Inanunsyo ng kaniyang asawa na si Naomi Sheehan ang malungkot na balita sa Instagram post nitong Abril 8.
"Last night, Mick sadly passed away in the Northern Ireland Hospice. He was diagnosed with Motor Neurone Disease 1st February 2023," saad ni Naomi.
"He was admitted 10 days ago and was cared for by the incredible team there. He passed peacefully surrounded by family and friends. Words can't describe how broken-hearted we are," dagdag niya.
Ayon sa Motor Neurone Disease Association, ang MND ay isang kondisyon na nakaaapekto sa motor neurones—ang mga ugat sa utak at spinal cord na responsable sa paggalaw.
Kabilang sa mga sintomas nito ang panghihina ng kalamnan, muscle cramps, problema sa pagsasalita at komunikasyon, hirap sa paghinga, hirap sa paglunok, pagbabago ng ugali, at iba pa.
May iba’t ibang uri ng MND, na kinabibilangan ng Amyotrophic Lateral Sclerosis (ALS), ang pinaka-karaniwan. Wala pang lunas ang MND, bagama’t may mga therapy at gamot upang makatulong sa pamamahala ng mga sintomas.
Sa post, sinabi ni Naomi na naging inspirasyon si Michael sa maraming tao, hindi lamang sa panahon ng kaniyang pakikipaglaban sa sakit kundi sa bawat araw ng kaniyang buhay.
"He lived a life as full as any human can live. Joy, abundance of spirit, infectious laughter. A titan of a ginger haired man," aniya.
Nagpasalamat din si Naomi sa lahat ng sumuporta sa kanila sa mga nagdaang taon, at tinapos ang kaniyang mensahe sa isang paboritong linya ni Michael na mula sa poet na si Brendan Behan.
"'The most important things to do in the world are to get something to eat, something to drink and somebody to love you.' So, don't overthink it. Eat. Drink. Love," saad ni Naomi.
Kabilang sa mga naging proyekto ni Michael maliban sa "Game of Thrones" na gumanap siya bilang si Wildling Rioter, ay ang "This Town," "Blasts from the Past," "The Spectacular," "My Left Nut," at iba pa, base sa IMDb.
Isang ring kilalang theater actor at playwright si Michael, — FRJ GMA News

