Pinabulaanan ni Aiko Melendez, na kinamumuhian ngayon ng marami dahil sa kaniyang karakter bilang si Kendra sa GMA afternoon series na "Prima Donnas," ang mga bali-balitang buntis siya.
Nitong Enero 30, Huwebes, isinugod ang 44-anyos na aktres sa ospital dahil suka siya nang suka.
Grabe ang pagsusuka ni Aiko, na kahit habang nagte-taping siya ng Prima Donnas sa Pampanga, sa kalagitnaan ng eksena ay bigla siyang tatakbo sa isang sulok para sumuka.
Ayon sa Facebook post ni Aiko noong araw na iyon (published as is):
“I was in Pampanga this morning taping for Prima Donnas, then during dinner time I was rushed to the hospital. Our Executive Producer decided to take me to the nearest hospital ‘coz I kept on puking.
“Dyahe while on take I had to literally run to the nearest blank spot to vomit.
“Thank you, Ms Marissa Jesuitas-Hilario for taking care of me. You never left my side. And may standby ambulance and ang creepy ng feeling na nasa loob ka at ikaw ang patient.
“Thank you, Lord, hindi ako na-food poison. Siyempre panic attack also si VG he wanted to rush to Pampanga from Zambales.
“Now my tummy is rumbling LBM naman. Hmmm I should take a rest now. Goodnight, peeps! And thank you sa mga taga-Pampanga love nyo si Kendra?
“Pasensiya na din sa set namin sa abala po. Thanks baby Jay Khonghun na-stress kita kanina."
Ang "VG" na tinutukoy ni Aiko ay ang Vice-Governor ng Zambales na si Jhay Khonghun, na kaniyang kasintahan.
Ang "Kendra" namang binabanggit ay ang pangalan ni Aiko sa Kapuso afternoon drama series na Prima Donnas.
Paglilinaw pa ni Aiko: "Hindi po ako buntis Ha! Ha! Ha! Ha!"
Mabilis namang naka-recover ang aktres, at sa kasalukuyan ay nasa bansang Japan upang magpahinga kasama ang kasintahang si Jay.-- For more showbiz news, visit PEP.ph
