Bukod sa pagiging mahusay na aktres, nagdedesenyo rin pala ng alahas ang batikang aktres na si Elizabeth Oropesa na gawa sa copper.
Sa programang "Mars Pa More," ipinakita ni Elizabeth ang ilang alahas na kaniyang ginawa at ipinaliwanag ng aktres ang benepisyo ng copper sa kalusugan ng tao, lalo na sa mga may edad.
Alamin sa video na ito kung magkano ang mga ginagawang alahas ni Elizabeth, at kung sino ang nagregalo ng singsing na labis na iniingatan ni Jo Berry. Panoorin.
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA News
