Sa kaniyang online cooking show, inihayag ng aktres na si KC Concepcion kung ano talaga ang namamagitan sa kanila ng miyembro ng international hip-hop group na The Black Eyed Peas na si apl.de.ap.

Sa ulat ni Bernie V. Franco sa PEP.ph, sinabing si apl.de.ap. ang guest ni KC sa kaniyang online cooking show, at ipinakilala niya ang mang-aawit bilang kaniyang kaibigan.

“He’s a great, great friend of mine, very sweet, and very, very thoughtful," bahagi ng pagpapakilala ni KC kay apl.de.ap.

Matagal nang nali-link sina KC at apl.de.ap. Lagi ring inuusisa kung ano talaga ang tunay na namamagitan sa kanila.

Pero walang tuwirang pagkumpirma o pagtanggi sina KC at apl.de.ap sa pagli-link sa kanila, hanggang nitong weekend.

Puno ng papuri ang pagpapakilala ni KC sa sikat na rapper-record producer.

Virtual ang collaboration ng dalawa sa pagluluto dahil nasa London si apl.de.ap, habang nasa Pilipinas naman si KC.

Ayon sa ulat, naging palaisipan sa marami kung si apl.de.ap ba ang nagpapakilig ngayon sa actress-host.

Noong Hunyo, nabanggit ni KC sa isang online interview na may taong nagpapakilig sa kanya.

Taong 2011 nang magkakilala sina KC at apl.de.ap.

Noong 2013, inamin ni apl.de.ap na niligawan niya si KC.

Noong October 2019, nag-post si KC tungkol pagkikita nila ni apl.de.ap sa isang exclusive club sa Amerika.

Noong December 2019, namataan naman silang magkasama nang manood si KC ng closing ceremony ng South East Asian Games sa Capas, Tarlac, kung saan isa sa mga performers si apl.de.ap.-- For the full story, visit PEP.ph