Wala mang pormal o opisyal na pahayag tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, tila mas bukas na ngayon su Ruru Madrid na ipaalam ang nararamdaman para kay Bianca Umali.

Sa Instagram account ng aktor, nag-post siya ng larawan at video na kasama si Bianca.

Sa larawan, makikitang magkasama ang dalawa sa isang pasyalan, at nagja-jogging naman sila habang umuulan sa video.

Saad ni Ruru sa caption ng kaniyang post: "Miss you each day, everyday, all the time."

 

 

Sa comments section, naglagay naman si Bianca ng rose emoji.

Kapwa busy sina Ruru at Bianca sa kani-kanilang proyekto na kailangang ang lock-in taping.

Si Ruru ang bida sa action series na "Lolong," habang kasama naman si Bianca sa "Legal Wives" nina Dennis Trillo, Andrea Torres, at Alice Dixson.

Unang lumabas ang bali-balitang may magandang namamagitan kina Ruru at Bianca nang mag-post ang aktor noong Marso 2020 ng larawan kung saan tinawag niya si Bianca na "moonlight."

Sa isang YouTube vlog naman ni Mikee Quintos noong Hulyo, sinabi ni Ruru na two years na siyang in love pero walang siyang binanggi na pangalan. --FRJ, GMA News