Wala umanong nararamdamang takot si Rachelle Ann Go sa nakatakda niyang panganganak sa unang supling nila ng mister na si Martin Spies.

Sa Instagram, masayang ipinakita ng internationally acclaimed stage actress ang kaniyang baby bump.

Aniya, nakatakda siyang manganak "in two weeks and a few days."

"I've packed my hospital bags, finally! @spiesmj did his already!" anang actress-singer. "Ready to go! I'm excited and I don't feel any fear at all. Prayers are so powerful."

 

 

Taong 2018 nang ikasal sina Rachelle at Martin at noong Nobyembre ay ibinalita nila ang tungkol sa paparating nilang baby.

Kasalukuyang nakatira ang mag-asawa sa London, at binabalitaan ni Rachelle ang kaniyang fans tungkol sa kaniyang bagong journey sa pamamagitan ng vlog at Instagram. --FRJ, GMA News