Muling nakapagtala ng world record ang global K-Pop group na BTS nang makuha nito ang Guinness world record na most Nickelodeon Kids' Choice Awards won by a music group.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing bago nito, nahakot na rin ng BTS ang trophy sa 2021 Nickelodeon Kid's Choice Awards nitong nakaraang linggo.

Nakuha na rin ng BTS ang most simultaneous viewers for a music video on YouTube Premieres.

Sinabi ng Guinness na nag-set ng mark ang "Dynamite" dahil sa mahigit tatlong milyong viewers nito nang sabay-sabay nang una itong ipalabas noong Agosto 2020. – Jamil Santos/RC, GMA News