Reunited ang dating love team nina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo matapos ang maraming taon na hindi sila nagkita nang personal.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News “24 Oras” nitong Sabado, sinabing hindi na aniya matandaan ni Yasmien kung gaano katagal silang hindi nagkikita ni Rainier kaya laking tuwa niya nang muli silang magkita sa GMA studio para sa rehearsal ng “All Out Sundays.”

Ginawan ni Yasmien ng vlog ang muli nilang pagkikita ng aktor.

“Ang tagal na panahon din po na kinasal na po siya, hindi ako nakapunta sa kasal, nagka-baby na siya tapos ang dami nang nangyari sa buhay niya kaya doon niyo talaga makikita lahat sa vlog,” kuwento ni Yasmien.

“Sobrang katuwaan lang po, sobrang laugh trip,” dagdag ni Yasmien.

Tila long-lost friends daw silang dalawa sa kanilang pagkikita. – Jamil Santos/RC, GMA News