Ngayong mahigit dalawang-taong-gulang na anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico na si Thylane Katana o Tili, handa na kaya ang Kapuso star na magkaroon ng baby number 2 ngayong 2022?

Ito ang naging tanong kay Solenn sa segment na "Tarantanong" ng GMA show na "Mars Pa More."

Nakangiting sagot ni Solenn, "Yes!."

Mapasayaw sa tuwa ang mga host ng show kabilang ang buntis na si Iya Villania.

Habang nagsasayaw, binabanggit niya ang "baby power" na tila ipinapasa kay Solenn.

Paliwanag actress-TV host, hindi na siya bumabata "and the clock is ticking" na sa kaniya kaya okey nang magkaroon ng isa pang baby.

Bukod doon, maganda na rin at tamang-tama ang ang age gap ni Tili sa magiging kapatid nito na two or three years.

Kamakailan lang ay bininyagan na si Tili.-- FRJ, GMA News