Umarangkada si Herlene "Hipon Girl" Budol at ibinida ang kaniyang "Squammy Walk" sa ginanap na press presentation ng 40 kandidata ng Binibining Pilipinas 2022.
Hinangaan ng fans ang performance ni Herlene, kabilang na rin ang pagrampa niya suot ang blue one-piece suit.
Ayon kay Herlene, natutuwa siya sa improvement at resulta ng kaniyang performance.
Inaasahan na mas magiging abala pa si Herlene at ang ibang kandidata ngayong nalalapit na ang coronation night na gaganapin sa Hulyo 31. —Jamil Santos/VBL, GMA News