Masayang ibinalita ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards na magiging bahagi ng reunion concert ng The Eraserheads ang kaniyang kompanya.

“Lift your heads as I present to you, MY newest business venture Myriad Corporation as a part of this momentous event!” saad ni Alden sa kaniyang post sa Instagram.

 

 

Nitong Lunes, inansiyo ng Eraserheads na kasado na sa darating na Disyembre ang kanilang pagtatanghal na tinawag na "Huling El Bimbo," na isa sa kanilang hit songs.

Samantala, mapapanood naman si Alden sa inaabangang Kapuso series na “Start Up PH,” na magsisimula na sa September 26.

Si Alden din ang founder ng Myriad Esports at AR Foundation, na ilan lang sa iba pa niyang pinagkakaabalahan. —FRJ, GMA News